Isyu sa korupsyon, West Philippine Sea, droga tatalakayin ni Duterte sa kaniyang ikaapat na SONA

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang ang mga tatalakaying isyu ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kabilang sa mga tatalakayin ng pangulo sa SONA ang paglaban sa korupsyon, ilegal na droga, rebelyon at West Philippine Sea.

Babanggit din aniya ng pangulo ang mga achievement ng administrasyon sa nakalipas na tatlong taon sa pwesto.

Inaasahan din aniyang iisa-isahin ni Duterte ang mga plano sa nalalabing tatlong taon sa pwesto hanggang 2022.

Dagdag pa ni Panelo, naging makabuluhan ang nakalipas na isang taon para sa administrasyon.

Nasasabik na aniya ang Malakanyang sa pinaghandaang mahalagang event ng Punong Ehekutibo.

Read more...