Ilang senador, nagpaabot ng pagbati kay Pacquiao
Binati ng ilang senador ang kasamang si Manny Pacquiao matapos masungkit ang WBA Super welterweight title belt kay Keith Thurman sa Las Vegas, USA.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, napakagandang regalo ang ibinigay na panibagong Filipino pride ni Pacquiao para sa sambayang Filipino.
Sinabi naman ni Senatar Richard Gordon na nagsisilbi si Manny bilang inspirasyon para sa tagumpay sa pamamagitan ng hard work at pagpapakumbaba.
Tunay aniya ang katagang ‘age does not matter’ kung pagtutuunan nang pansin ang isang pangarap.
Samantala, isinalarawan naman ni Senador Sonny Angara ang pagkapanalo ni Pacquiao bilang ‘one giant celebration’ para sa mga Pinoy.
Ito aniya ang dahilan kung bakit patuloy na minamahal ng mga Pinoy ang binansagang “People’s Champ.”
Kumpiyansa si Angara na sa pagbubukas ng 18th Congress, ganito rin ang magiging hakbang ni Pacquiao para labanan ang kahirapan at kakulanga ng trabaho.
Nagparating din ng pagbati si Senador Juan Miguel Zubiri para kay Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.