DTI pinayuhan ang mga mamimili na hanapin ang PS mark sa bibilhing paputok

firecrackers philip roncales
Philip Roncales

Dapat mag-ingat ang mga mamimili sa bibilhing paputok na gagamitin ngayong pasko at sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa abiso ng DTI, mahigpit na ipinapayo sa mga consumers na pinaka importante hanapin ang PS mark o Philippine Standard sa bibilhing paputok para matiyak na ligtas ang mga firecrackers at fireworks.

Sa ilalim ng BPS o Bureau of Product Standards Certification scheme, kailangan idaan sa mandatory certification ang lahat ng klase ng mga paputok.

Kailangan din na mag apply ng Philippine Standard license ang mga gumagawa o manufacturer ng paputok bago makapagbenta.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas partikular RA 7183 ang pagbebenta, paggawa, pamamahagi at paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices ng walang kaukulang permiso.

Read more...