Pagkapanalo ni Pacquiao, panalo ng Pilipinas – Panelo

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 02:20 PM

Maituturing na panalo ng mamamayang Filipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Keith Thurman sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, USA, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa inilabas na pahayag, nagpaabot ng pagbati si Presidential spokesman Salvador Panelo sa Filipino boxer-senator.

Sa kabila ng malaking pagitan sa edad nina Pacquiao at Thurman, sinabi ni Panelo na pinatunayan ng Pinoy boxer ang kakayahan nito bilang boksingero.

Sinabi ni Panelo na nakikiisa ang Malakanyang sa pagbubunyi ng mga Pinoy dahil sa panibagong naiuwing karangalan ni Pacquiao sa bansa.

Ipinamalas din aniya ni Pacquiao ang athleticism at Filipino pride sa laban.

Nagwagi si Pacquiao kontra kay Thurman via split decision.

TAGS: Keith Thurman, manny pacquiao, Presidential spokesman Salvador Panelo, Keith Thurman, manny pacquiao, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.