Keith Thurman, binati si Pacquiao sa pagkapanalo sa kanilang boxing match

Binati ng American boxer na si Keith Thurman si Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa pagkapanalo sa kanilang laban sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, USA.

Itinanghal si Pacquiao bilang bagong WBA Super World welterweight champion via split decision.

Sa isang panayam, sinabi ni Thurman na maituturing si Pacquiao bilang isang ‘great champion.’

Tinanggap din ni Thurman na malaki ang naging epekto ng pagkakabagsak niya sa unang round ng laban.

Samantala, inamin naman ng 40-anyos na Pinoy boxer na hindi madaling kalaban si Thurman.

Malakas aniya si Thurman at alam niyang ibinigay ng 30-anyos na boksingero ang kakayahan sa laban.

Ito ang unang talo ni Thurman sa kaniyang win-loss record bilang boksingero.

Read more...