Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu sa Maynila.
Nakilala ng Moriones, Tondo Police Station 2 ang mga suspek na sina Alvin Nolasco, 22-anyos o alyas “Taba” at Ronell Bultron, 26-anyos o alyas “Buknoy.”
Ang dalawa ay pawang residente ng Parola compound.
Nasakote sa mga suspek ang anim na pirasong sachet ng shabu at P100 na buy-bust money makaraang positibong makabili sa kanila ng droga si Police Corporal Bon Jovie Gaviola na nagsilbing poseur buyer.
Isasailalim sa drug testing ang mga suspek at sasampahan ng reklamong may kaugnayan sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.