Walang natututukang banta sa SONA ni Pangulong Duterte bukas – AFP

By Angellic Jordan July 21, 2019 - 01:54 PM

Inihayag ng Armed Forces ng the Philippines (AFP) na walang natututukang anumang banta sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Sa inilabas na pahayagn, sinabi ni Col. Noel Detoyato na walang natututukang banta mula sa mga lokal na teroristang grupo ang kanilang hanay.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang operasyon ng militar laban sa lahat ng banta ng karahasan.

Sisiguraduhin aniya ng AFP ang pananatili ng kaayusan sa National Capital Region (NCR) kasabay ng SONA ng Punong Ehekutibo.

Hinikayat naman ni Detoyato ang publiko na i-report sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa kanilang lugar.

Matatandaang itinaas ng AFP ang Red alert status simula noong araw ng Biyernes.

TAGS: AFP, banta, Pangulong Duterte, SONA, Terorismo, AFP, banta, Pangulong Duterte, SONA, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.