Pacquaio panalo kontra kay Thurman

Nasungkit ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang WBA Super World welterweight championship mula kay dating undefeated Keith Thurman via split decision.

Pinaulanan ni Pacquiao ng suntok si Thurman sa first round pa lang at ipinagpatuloy ang magandang laro hanggang sa fifth round.

Nakabawi naman si Thurman mula sa sixth hanggang ninth round.

Ngunit muntikan ng itigil ang laban dahil sa liver blow na natamo niya mula kay Pacquaio.

Umabot ang laban hangang ng twelve rounds at idineklarang bagong kampyeon si Pacman sa score na 114-113, 115-112, at 115-112.

Read more...