PSC at Phisgoc magtutulungan sa paghahanda sa SEA Games

By Noel Talacay July 21, 2019 - 12:43 PM

Nagkasundo ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na makikipagtulungan sa Philippine Olympic Committee para sa preperasyon sa gagawing SEA Games sa Pilipinas.

Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, gagawin nila ang kooperasyon para sa karangalan at maipagmalaki ang bansa.

Aniya, wala pang malinaw na plano kung pano hahati-hatiin ng tatalong oraganisasyon ang mga responsabilidad at gawain para sa SEA Games.

Subalit sinabi nito na tanging sa PSC pinapaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget na nakalaan para sa nasabing palaro.

Dagdag pa niya na ang PSC ang mananagot kay Pangulong Duterte kung magkaroon ng mismanagement sa pondo ibibigay ng gobyerno.

Sa isang pulong na ginanap sa Malacañang, nilinaw ni chairman na walang katotohanan ang mga alegasyon na may kurapsyong nagaganap sa sa paghahanda sa sa nasabing palaro.

TAGS: Philippine Olympic Committee, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), Philippine Sports Commission (PSC), Rodrigo Duterte, Philippine Olympic Committee, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), Philippine Sports Commission (PSC), Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.