British Airways, Lufthansa sinuspinde ang flights pa-Cairo

By Clarize Austria July 21, 2019 - 12:18 PM

Inanunsyo ng British Airways at Lufthansa na sinususpende na nila ang mga flights papuntang Cairo dahil sa isyu ng kaligtasan at seguridad.

Pansamantalang ititigil ng British Airways ang flights nila papunta sa capital ng Egypt ng isang linggo.

Sa German airline naman na Lufthansa, ibabalik na sa araw ng Linggo ang normal na operasyon.

Ipinadala ng dalawang kumpanya ang kanilang mga pahayag ng pagkansela ngunit hindi nilinaw kung bakit pansamantalang itinigil ang mga naturang flights.

Naganap ang nasabing suspensyon matapos ang insidente sa pagitan ng Iran at ng isang British-oil tanker sa Strait of Hormuz.

 

 

TAGS: Iran at ng isang British-oil tanker, Iran at ng isang British-oil tanker sa Strait of Hormuz, Iran at ng isang British-oil tanker, Iran at ng isang British-oil tanker sa Strait of Hormuz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.