Andanar: ika-4 na SONA ni Duterte kaabang-abang
Inihayag ng Malakanyang na maituturing na importante at kaabang-abang ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes, July 22.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar dahil ilalatag na aniya ng Presidente ang mga plano nito para sa bansa at sambayanan ang huling tatlong taon ng kanyang termino sa gobyerno.
Kasabay nito ay iuulat din ng punong ehekutibo ang mga naisakatuparan na nitong mga proyekto at programa sa nakalipas na tatlong taon.
Sabi ng Kalihim, tungkol sa “legacy building” na tinawag din niyang
Duterte legacy ang magiging pokus ng administrasyon sa susunod na tatlong taon sa posisyon ng pangulo.
Ito aniya ay nakatutok sa poverty alleviation, imprastraktura at peace and order.
Dagdag pa ng kalihim na puntirya ng gobyernong Duterte na maibaba ang antas ng kahirapan ng hanggang 14% mula sa 21% at maiparamdam sa taumbayan ang pag-angat ng ekonomiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.