Patay ang isang Filipino-Chinese matapos tambangan ng riding in tandem sa panulukan ng Wilson Street at Ortigas Avenue sa San Juan, pasado alas otso ng umaga.
Kinilala ni Sr Supt Roberto Alanas hepe ng San Juan PNP ang biktima na si Susan Tan Uy , 63 anyos.
Nakaligtas naman sa pananambang ang pasaherong babae.
Minamaneho ni Uy ang kanyang kulay asul na Toyota Rav 4 na may plakang PHQ 252 nang pagbabarilin ng mga suspek na pawang nakasuot ng helmet.
Ayon sa saksi na si Loloy, galing ng temple ang dalawa at dumaan pa sa 7-11 store nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Apat na bala ng baril ang tumama sa salamin ng sasakyan.
Dagdag ni Loloy, may tama sa ulo, leeg at balikat ang drayber ng Toyota Rav 4.
Ayon pa kay Loloy, matapos tamaan ng bala ang drayber, bumangga ang Toyota Rav 4 sa bakuran ng ginagawang gusali.
Agad na isinugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center si Uy pero binawian din ito ng buhay.
Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek patungo ng direksyon ng Edsa.
Nakikipag-ugnayan na ang mga pulis sa mga may-ari ng gusali para ma-review ang closed-circuit television (CCTV)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.