Metro Manila, Northern Luzon makakaranas ng maulang panahon

By Clarize Austria July 21, 2019 - 08:50 AM

Magiging maulan ang panahon sa hilagang bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa Souhwest Moonsoon o Habagat.

Ayon sa inilabas na datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), magdadala ang Habagat sa Northern Luzon ng maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkidlat.

Partikular na maaapektuhan ang Ilocos Region at Codillera Administrative Region.

Makakaranas naman ng bahagya maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dala ng localized thunderstorms and Metro Manila at iba pang parte ng bansa.

Nagbababa naman ang ahensya sa banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na ulan.

TAGS: Magiging maulan ang panahon, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Souhwest Moonsoon o Habagat, Magiging maulan ang panahon, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Souhwest Moonsoon o Habagat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.