Halos 200K halaga ng shabu, nasamsam sa Taguig City

Arestado ng pulisya ang dalawang tulak ng droga sa South Daang Hari, Taguig City kahapon, July 20.

Nakilala ang mga suspek na sina Maribel Cornillez at kasamahan nitong si Wilson Oroso.

Nakuha kay Cornillez at Oroso ang 13 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 29.2 gramo at nagkakahalaga ng halos dalawang daang libong piso (P198,560).

Narekober din sa mga suspek ang timbangan at ilang mga drug paraphernalia.

Hinuli ang dalawa sa bisa ng warrent of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 267.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang dalawa at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...