AFP may libreng live screening ng laban ni Pacquaio vs Thurman
Magkakaroon ng live screening ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng laban ni Manny Pacquiao at Keith Thurman sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, magbibigay daan ang naturang screening sa mga sundalo at kasamahan ng mga ito upang magpakita ng suporta sa boxing champion.
Gaganapin ang mga naturang live sceening sa AFP Commissioned Officers Club at AFP general headquarters sa Security Escort Group Mess Hall.
Ipapalabas din ang laban sa AFP Medical Center Auditorium sa Quezon City.
Ang Philippine Army naman ay nagtalaga ng tatlong viewing sites sa Army Wellness Center, Ricarte Hall of the Army Clubhouse, at Multi-Purpose Hall of the Army Hospital.
Makikilahok rin sa panunuod sa kani-kanilang mga base ang Philippine Air Force at ang Philippine Navy sa buong bansa.
Maghaharap si Pacquiao at Thurman ngayong araw sa MGM Grand sa Las alas 10:00 ng umaga oras sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.