Rider ng motorsiklo sugatan sa aksidente sa Nagtahan Flyover

Sandaling isinara ang bahagi ng Nagtahan Flyover papuntang Nagtahan Bridge pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Ito’y matapos bumangga ang isang motorsiklo sa likurang bahagi ng isang track na nakahimpil sa taas ng flyover.

Naipit sa gulong ang motrosiklo at pumailalim sa trak ang rider dahilan para magtamo ito ng sugat.

Agad naman isinugod sa malapit na pagamutan ang driver ng motorsiklo.

Samantala, ayon naman sa driver ng trak na si Noben Hodrales, nasira ang minamaneho nitong trak sa ibabaw ng flyover.

Pero may nakalagay na anya na early warning device at naka hazard pa ang trak.

Sabi pa ni Hodrales na mukhang naka inom ang driver ng motorsiklo dahil nangangamoy alak ito.

 

Read more...