Muntinlupa, nagpatupad ng total ban sa anumang uri ng paputok

By Isa Umali December 24, 2015 - 10:40 AM

fireworks
Inquirer File Photo

Mahigpit na ipatutupad ng lokal na gobyerno ng Muntinlupa ang ‘total ban’ sa anumang uri ng paputok ngayong bisperas ng Pasko, at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nauna nang inisyu ng Muntinlupa city government ang Ordinance no. 14-092 na nagbabawal sa pagdisplay,pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa siyudad.

Ayon kay Muntinlupa City police chief Senior Supt. Nicolas Salvador, magkakaroon ang Local Peace and Order Council ng random checkpoints at monitoring sa mga lansangan at palengke upang mahuli at maparusahan ang mga lalabag sa ordinansa.

Giit ni Salvador, ang ordinansa ay layong mabawasan ang mga nasusugatan at nasasawi dahil sa mga pagpapaputok,at mabawasan din ang epekto nito sa kalusugan at kalikasan.

Nilinaw naman ni Salvador na ang mga barangay, malls at kahalintulad na establisimyento ay maaaring mag-sponsor ng ‘community fireworks display,’ pero sa designated areas lamang at kailangan ding mayroon silang permit mula sa PNP at BFP.

TAGS: fireworks, Muntinlupa, total ban, fireworks, Muntinlupa, total ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.