Piolo Pascual nag-react sa Iñigo-Maris breakup

Tiniyak ni Piolo Pascual na nais ng kanyang anak na si Iñigo na maging mas mabuting tao matapos ang break-up nito sa singer-actress na si Maris Racal.

Ayon sa aktor, ayaw ni Iñigo na maging dahilan ng heartbreak ng isang tao.

Matapos aminin noong 2017 na exclusively dating sila, naghiwalay na sina Iñigo at Maris.

Inamin ng dalaga na sinaktan siya ng binata

Pero nilinaw naman ni Maris na walang third party sa hiwalayan nila ng anak ni Piolo.

Paliwanag pa ni Piolo malaki na si Iñigo kaya kaya na nitong madesisyon para sa sarili.

Masaya naman ang aktor na inayos ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

Dagdag ni Piolo, magagamit ni Iñigo ang karanasan nito para pagbutihin ang kanilang sarili.

 

Read more...