Timbog ang pitong drug suspek matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 Cubao.
Base sa impormasyon ng Cubao Police Station, target ng kanilang operasyon sina alyas Christopher, 39 anyos, alyas Hilario, 38 anyos, alyas Edwin, 47 anyos, isang tindero at dati nang sumuko sa mga otoridad dahil sa ipinagbabawal na droga.
Sinabi naman ng Station Drug Enforcement Unit ng Cubao Police Station, nagpanggap ang kanilang police asset na bumili ng P500.00 na halaga ng shabu sa bahay ng mga suspek sa Antique St. Bago Bantay.
Nang pasukin ng mga otoridad ang bahay ng mga suspek, naaktuhan nila ang isang babae at tatlong lalaki na nasa pot session.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Ruben, 29 anyos, isang construction worker; alyas Marlon, 24 anyos at isang barker, alyas Marcel, 48 anyos, isang tricycle driver at alyas Marjorie, 36 anyos.
Narekober sa mga suspek ang 46 na sachet ng hinihinalang shabu na nakakahalaga ng P23,000.
Maliban dito, nakuha rin ang iba’t ibang drug paraphernallia at ang ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.