Presyo ng produktong petrolyo may rollback sa susunod na linggo

Asahan ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang sumusunod ang tinatayang tapyas sa presyo ng kada litro ng petrolyo:

Gasolina – P0.30-P0.40 per liter

Diesel – P0.20-P0.30 per liter

Keresone – P0.30-P0.40 per liter

Ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang bawas-presyo tuwing araw ng Martes.

Pero sa kabila ng rollback, mas mataas pa rin ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng ilang linggong magkakasunod na oil price increase.

Mula June 18 hanggang July 16, narito ang kabuuang dagdag sa presyo:

Gasolina – P3.15 per liter

Diesel – P2.40 per liter

Kerosone – P2.40 per liter

 

Read more...