LOOK: Mayors Isko Moreno at Vico Sotto nagkasama sa Fun Run

By Len Montaño July 20, 2019 - 11:30 PM

Manila PIO photo

Nagkasama sa isang Fun Run ang tinaguriang mga “rockstar” Mayors na sina Isko Moreno at Vico Sotto araw ng Sabado.

Sa larawan na ibinahagi ng Manila Public Information Office, nagkasama sina Mayor Isko at Mayor Vico sa sidelines ng MVP Superhero Fun Run sa Meralco Compound sa Pasig City.

Kasama sa naturang event ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Ang Fun Run ay bilang selebrasyon ng kaarawan ni MVP.

Mula nang maupo bilang mga Alkalde ng Maynila at Pasig, lalong nakilala ng publiko ang dalawang batang Mayor dahil sa kani-kanilang mga ginagawa.

Parehong tinalo nina Moreno at Sotto ang mga bigatin at maimpluwensyang pangalan sa larangan ng pulitika.

 

TAGS: fun run, Mayor Isko Moreno, Mayor Vico Sotto, MVP, rockstar, fun run, Mayor Isko Moreno, Mayor Vico Sotto, MVP, rockstar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.