Lalaking pugante sa Mandaluyong City balik-kulungan

By Noel Talacay July 20, 2019 - 11:02 PM

QCPD photo

Muling naaresto ang isang lalaking pugante sa Mandaluyong City Sabado ng hapon.

Naabutan ng mga otoridad na nag-iimpake na para magtago sa batas ang isang lalaking nahatulang makulong dahil sa kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Dati nang nakulong si Laurencio Cruz, 47-anyos ng Sitio Uno, Brgy. San Jose Mandaluyong City noong 2018 pero tumakas ito ng kulungan.

Makalipas ang ilang buwan ay muling naaresto si Cruz ng mga miyembro ng Eastern Police District – District Special Operation Unit (EPD-DSOU) alas-3:15 ng hapon.

Ayon kay EPD-DSOU Chief, sa ikalawang pagka-aresto sa suspek ay muli itong nahulihan ng ilegal na droga.

Dahil dito ay balik-kulungan ang nasabing takas sa Mandaluyong City detention cell.

 

TAGS: balik kulungan, ilegal na droga, Mandaluyong, pugante, balik kulungan, ilegal na droga, Mandaluyong, pugante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.