Higit 500 traffic enforcers itatalaga sa QC sa SONA
Itatalaga ang mahigit 500 traffic enforcers sa Quezon City para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.
Ayon sa Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City, ikakalat ang mga traffic enforcers sa Commonwealth Avenue, Batasan Road at kalapit na mga lugar.
Nag-abiso na ang Quezon City Police District (QCPD) ng traffic rerouting at mga alternatibong ruta para sa mga motoristang bibiyahe sa Commonwealth Avenue na daanan papuntang Batasang Pambansa kung saan idaraos ang SONA.
Magkakaroon naman ng partial closure at implementasyon ng zipper lane sa northbound ng Commonwealth Avenue.
Samantala, maglalagay ng first aid tents ang Disaster Risk Reduction and Management Office sa Saint Peter Church at Batasan Police Station sakaling mangailangan ng tulong medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.