Bangkay ng isang sanggol natagpuang nakasilid sa karton sa tambakan ng basura sa Zamboanga City

By Marlene Padiernos July 20, 2019 - 07:45 PM

Natagpuan ang bangkay ng isang sanggol na nakasilid sa isang karton sa tambakan ng basura sa Zamboanga City, Sabado ng umaga.

Ayon kay Lumbangan Barangay Chairman Carmelito Bejerano, natagpuan ng mga residente sa lugar ang nasabing karton na kasama sa mga basurang itinapon sa truck ng basura nitong Biyernes, July 19, 2019.

Ang nasabing sanggol ay isang babae at tinatayang nasa siyam na buwang gulang pa lamang.

Ayon sa kinauukulan, maaaring ilang araw na ang nakalipas nang itinapon ang sanggol dahil sa wala na itong mga braso nang matagpuan ng mga residente.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ng mga opisyal ang barangay na posibleng pinagmulan ng mga basurang nahakot ng truck.

Samantala, nagpapatuloy padin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung sino ang dapat na managot sa insidente.

 

TAGS: Bangkay ng isang sanggol natagpuang nakasilid sa karton sa tambakan ng basura, Lumbangan Barangay Chairman Carmelito Bejerano, Zamboanga City, Bangkay ng isang sanggol natagpuang nakasilid sa karton sa tambakan ng basura, Lumbangan Barangay Chairman Carmelito Bejerano, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.