Dalawang lalaking may dalang hindi lisensyadong baril, arestado sa Quezon City

By Noel Talacay July 20, 2019 - 07:40 PM

Arestado ang dalawang lalaking may warrant of arrest sa kasong umano’y pagtatago o pagdadala ng hindi lisensyadong mga baril.

Nakilala ang mga suspek na sina Warren Fernandez, 26-anyos at Noriel Nicanor, 22-anyos at parehong residente ng Barangay Capri. Novaliches Quezon City.

Narekober sa mga suspek ang isang cal. 9mm na may lamang walong bala at isang cal. 38 revolver na may lamang isang bala.

Maliban dito, nakuha rin sa mga suspek ang dalawang maliliit na sachet na hinihinalang shabu.

 

Napag-alaman na ang mga suspek ay nasa drug watch list sa kanilang barangay at nasakot na umano sa robbery sa Tiaong Quezon noong June 4, 2019.

Nangyari ang operasyon laban sa suspek kaninang alas 10:00 ng umaga kung saan nakatira ang mga suspek.

Kasalukuyan ng nakakulong nag mga suspek sa Novaliches Police Station at nahaharap sila ngayon sa patung-patong na kaso.

 

TAGS: Barangay Capri, cal. 38 revolver, cal. 9mm, Novaliches Police Station, Tiaong Quezon, Barangay Capri, cal. 38 revolver, cal. 9mm, Novaliches Police Station, Tiaong Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.