Apat na drug suspek timbog sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Navotas, Quezon City

By Noel Talacay July 20, 2019 - 07:31 PM

Arestado ang apat na drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad, pasado alas-12:00 ng hating gabi, July 20.

Nakilala ang mga suspek na sina Jowel Dela Fuente ,44-anyos; Rosalinda Ordoñez-45-anyos; Jenica Ordoñez – 23-anyos at Adriano Ordoñez, 30-anyos

Ang mga suspek ay lahat mga residente ng B. Cruz St. Tangos South, Navotas Quezon City.

Narekober sa mga suspek ang labing dalawang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na patuloy paring inaalam ang halaga nito, isang maliit na tupperware at P200.00 na buy-bust money.

Ayon sa Navotas Police, na-kompirma ang mga ilegal na aktibidad ng mga suspek kaugnay sa droga matapos makabili ang police asset ng drog sa mga suspek, kaya agad naman silang hinuli ng mga pulis.

Nakapiit na ang mga suspek sa Navotas Police Station at nahaharap sila sa paglabag sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

TAGS: 44-anyos, B. Cruz St. Tangos South, Jenica Ordoñez - 23-anyos, Jowel Dela Fuente, Navotas Quezon City, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., Rosalinda Ordoñez-45-anyos, 44-anyos, B. Cruz St. Tangos South, Jenica Ordoñez - 23-anyos, Jowel Dela Fuente, Navotas Quezon City, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002., Rosalinda Ordoñez-45-anyos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.