CHR nanawagan sa DepEd na i-reassess ang desisyon sa pagpasara sa mga Lumad school sa Davao Region
Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapasara ng Department of Education sa limangpu’t limang lumad na mga eskwelahan sa Davao Region.
Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline Ann de Guia na ang mga indigenous people ay isa sa mga vulnerable na grupo sa ating lipunan.
Ang pag-tiyak ng gobyerno sa siguridad ng bansa ay kinikilala ng CHR, ito ayon kay de Guia, subalit, ang i-ugnay ang mga lumad na bata sa mga rebeldeng grupo, ay hindi katanggap-tanggap.
Aniya ito ay kailangan sumailalim sa tamang proseso tulad ng magsagawa ng masusing imbestigasyon para magkaroon ng komprehensibo at mabigat na katibayan.
Pinaalalahan din ni Atty. de Guia ang gobyerno na mag dahan-dahan sa pag ugnay ng mga indigenous people sa mga rebelde dahil maaari itong ikapahamak nila.
Sabi pa niya na ang pagpapasara ng mga Lumad Schools ay isang malaking hamon sa gobyerno na maging balanse sa pananaw sa siguridad at kapakanan ng mga Lumad.
Kaya naman na nanawagan sila sa pamunuan ng Department of Education na i-reassess ang kanilang naging desisyon at makipag dialogo ang DepEd sa mga Lumad bago gumawa ng hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.