Sang-ayon si Senator Leila de Lima sa gagawing pag-iimbestiga ng Department of Justice sa nabunyag na ‘Escort Service’ na ginagawa sa mga illegal Chinese workers sa NAIA.
Sinabi ni de Lima hindi dapat palagpasin ang isyu dahil ito aniya ay lantaran nang pambabastos sa mga batas ng Pilipinas.
Aniya inaagaw na ng mga taga-China ang ating teritoryo at trabaho tapos ay may ‘special service’ pa sa kanila kapalit ng pera.
Ipinag-utos ng DOJ ang pag-iimbestiga sa mga ulat na may mga tiwalang tauhan ng Bureau of Immigration na nakikipag-kutsabahan sa mga Chinese nationals na ilegal na nagta-trabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.
Sinabi pa ni de Lima na pinag-aaralan na niyang maghain ng resolusyon base sa mga ulat na ilang POGOs ang kumukuha ng serbisyo ng ilang Immigration personnel para magsilbing escort ng mga Chinese nationals na may tourist visas ngunit ilegal na nagta-trabaho sa online gaming companies.