‘Viral video’ ng paninira sa first family pananagutin ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio July 20, 2019 - 06:12 PM

Hahabulin ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga utak at responsable sa pagpapakalat ng video na idinadawit ang First Family sa kalakaran ng droga sa bansa.

Ayon kay Go hindi niya papayagan na hindi mananagot ang mga nasa likod ng paninira sa pamilya ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa nito, ang habol lang naman niya ay hustisya dahil maging siya ay ilang beses na pinatunayan na walang siyang kinalaman sa illegal drug trade.

Matatandaan na ilang ulit na naghubad ng damit pang-itaas si Go para lang ipakita sa publiko na walang siyang tattoo na mag-uugnay sa isang sindikato ng droga.

Pagdidiin ni Go malinaw na ‘black propaganda’ lang laban sa First Family ang lahat.

Samantala, kinasuhan na ng sedition ang ilang taga-oposisyon sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo na iniuugnay sa ‘Bikoy video.’

 

TAGS: Bikoy video, first family, Sen. Bong Go, Vice President Leni Robredo, viral video, Bikoy video, first family, Sen. Bong Go, Vice President Leni Robredo, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.