Ilang pilipino crew na kasama sa barko ng Britanya, pinigil ng Iran

By Jimmy Tamayo July 20, 2019 - 12:30 PM

May mga Filipino crew sa barko ng Britanya na pinigil ng Iranian Revolutionary Guard.
Ayon sa operator ng Stena Impero, nasa 23 ang crew ng barko na kinabibilangan ng Indian, Russian, Latvian at Filipino nationality.

Kasabay nito, tiniyak ng kompanya na ligtas naman ang mga tripulante ng barko.

Ang Stena Impero ay hinarang ng awtoridad habang naglalayag sa Strait of Hormuz dahil umano sa paglabag sa international regulations.

Pero nanindigan ang kompanya na wala silang nilalabag sa patakaran.

 

TAGS: Indian, Iranian Revolutionary Guard, Latvian, May mga Filipino crew sa barko ng Britanya, Russian, Stena Impero, Indian, Iranian Revolutionary Guard, Latvian, May mga Filipino crew sa barko ng Britanya, Russian, Stena Impero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.