Bilang ng pamilyang pilipino na nagsabing sila ay mahirap umaabot sa 11.1m ayon sa SWS survey

By Jimmy Tamayo July 20, 2019 - 11:56 AM

Tumaas ng pitong puntos ang bilang ng pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap.

Ito’y ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa second quarter ng taon.

Sa nasabing survey umabot sa 45% o 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap.

Mataas ito sa record-low na 38 % o 9.5 milyon na pamilya na naitala noong buwan ng Marso.

Ang survey ay ginawa noong June 22 hanggang 26 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 na respondents sa buong bansa.

Tumaas din ang bilang ng pamilya na “food poor” na nasa 35% o katumbas ng 8.5 milyon na pamilya.

Mas mataas din ito sa record-low na 27% na naitala noong Marso.

 

TAGS: “food poor”, 38 % o 9.5 milyon na pamilya na naitala noong buwan ng Marso, 45% o 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap, Social Weather Stations (SWS), “food poor”, 38 % o 9.5 milyon na pamilya na naitala noong buwan ng Marso, 45% o 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap, Social Weather Stations (SWS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.