Alegasyon ng kurapsyon sa paghahanda sa 30th SEA Games walang basehan

By Jan Escosio July 20, 2019 - 03:15 AM

Nakipagpulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senator Bong Go sa mga bumubuo ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para linawin ang mga alegasyon ng katiwalian kaugnay sa ginagawang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games.

Nakasama din sa pulong si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at pinabulaanan nila ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang mga alegasyon, na anila ay walang basehan.

Isinagawa ang pulong matapos sabihin ni Pangulong Duterte na ang gobyerno na ang hahawak sa paghahanda sa biennial sports meet matapos makarating sa kanya ang mga diumanoy alingasngas sa organizing committee.

Matapos ang pulong, naging malinaw na ang lahat at magpapatuloy ang PHISGOC sa ginagawa nilang paghahanda.

Kasabay nito, tiniyak ni PHISGOC Executive Director Ramon Suzara na magiging transparent sila sa publiko at sa mga atleta sa lahat ng hakbangin na may kaugnayan sa ginagawa nilang paghahanda.

Dagdag pa nito, makikipagtulungan sila sa Department of Budget at Procurement Service para matiyak na ang kanilang paggasta ng pondo ay ayon sa mga itinakda ng gobyerno.

TAGS: 2019 SEA Games, alegasyon, kurapsyon, Philippine SEA Games Organizing Committee, PHISGOC, 2019 SEA Games, alegasyon, kurapsyon, Philippine SEA Games Organizing Committee, PHISGOC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.