Habagat magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon

By Rhommel Balasbas July 20, 2019 - 06:48 AM

Wala nang anumang sama ng panahon na nakakaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) makaraang lumabas ang Bagyong Goring at maging isang low pressure area (LPA).

Sa 4am update ng weather bureau, sinabi ni weather specialist Meno Mendoza na southwest monsoon o Habagat ang nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng Luzon.

Dahil sa Habagat, mararanasan ang mga pag-ulan sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang pagpalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, northern coast ng Cagayan at Ilocos Norte.

TAGS: habagat, Pagasa, southwest monsoon, habagat, Pagasa, southwest monsoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.