3 holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Jong Manlapaz, Rhommel Balasbas July 20, 2019 - 03:36 AM

Nasawi ang tatlong hinihinalang holdaper matapos mauwi sa engkwentro ang operasyon ng pulisya sa bahagi ng Biak na Bato St. Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Kinilala ang mga napatay na suspek sa mga alyas na ‘Jeffrey’, ‘Nono’ at ‘Bert’ na pawang mga miyembro ng Hermosa Robbery Group.

Ayon kay QCPD Deputy Director for Operations, Pol. Col. Enrico Vargas, nakatanggap ang pulisya ng intelligence report na magsasagawa ng pagnanakaw ang nasabing grupo sa Biak na Bato.

Dahil dito, agad na ikinasa ng District Special Operations Unit (DSOU) ang anti-criminality and surveillance operations at agad namataan ang dalawang riding-in-tandem nakatambay lang sa lugar.

Sisitahin lamang sana ng mga pulis ang dalawang lalaki ngunit agad na bumunot ang mga ito ng baril at nagpaputok.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok at nauwi sa engkwentro na ikinasawi ng tatlong suspek.

Samantala, isang suspek na nakilalang si Nonoy Hermosa ang nakatakas sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong kalibre .45 na baril, isang motorsiklo at isang sachet ng shabu.

 

 

 

 

TAGS: anti-criminality and surveillance operations, District Special Operations Unit, engkwentro, Hermosa Robbery Group, holdaper, quezon city, riding in tandem, shabu, anti-criminality and surveillance operations, District Special Operations Unit, engkwentro, Hermosa Robbery Group, holdaper, quezon city, riding in tandem, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.