4 sugatan sa M5.1 na lindol sa Athens, Greece

By Len Montaño July 20, 2019 - 03:14 AM

Reuters photo

Apat ang naiulat na nasugatan sa magnitude 5.1 na lindol sa Athens, Greece araw ng Biyernes.

Dahil sa pagyanig, maraming residente ang naglabasan at ilang gusali ang nasira.

Nagdulot din ng pagkawala ng kuryente ang malakas na lindol sa lugar.

Isa ang kampana sa Church of Pantanassa sa mga nasira dahil sa pagyanig.

Ayon sa Athens Institute of Geodynamics, hindi bababa sa pitong aftershocks ang naitala, pinakamalakas ang magnitude 3.1.

Ang Greece ay isa sa mga pinaka-earthquake prone na bansa sa Europe dahil sa mga fault lines nito.

 

TAGS: 4 sugatan, Athens, fault line, Greece, gusali, lindol, magnitude 5.1, nasira, nawalan ng kuryente, pagyanig, 4 sugatan, Athens, fault line, Greece, gusali, lindol, magnitude 5.1, nasira, nawalan ng kuryente, pagyanig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.