Derek Ramsay naglaro para sa Batangas team sa MPBL

MPBL photo

Mainit na tinanggap ng basketball fans ang aktor na si Derek Ramsay na naglaro para sa Batangas City Athletics Tanduay sa 2019 MPBL Lakan Cup.

Tinalo ng koponan ni Ramsay ang Caloocan Supremos Victory Liner sa score na 80-67.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga nanood sa undergoal shot ni Ramsay sa fourth quarter.

Gumawa si Ramsay ng 2 points sa loob ng 7 minutong paglalaro.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng aktor ang video ng kanyang tira at nagpasalamat ito sa mga fans sa suporta na ibinigay sa kanya at kanyang team.

Read more...