Maranao pilgrim nasawi sa Mecca

Credit: National Commission on Muslim Filipinos

Namatay ang isang 57 ayos na babaeng pilgrim sa Mecca, Saudi Arabia Biyernes ng umaga.

Ayon kay Dr.  Dimapuno Alonto Datu-Ramos Jr., public relations and information head ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ang nasawi ay si Sarapia Abalimbona Taha na tubong Lanao del Sur.

Base sa impormasyon mula sa head ng Hajj medical team na si Dr. Abdulnasser Masorong Jr., nag-collapse si Taha habang pumapasok sa Masjid al-Haraam, isang pilgrimage site, bago ang Jumaah o pagdadasal.

Posible umanong inatake sa puso si Taha na ang mga labi ay nasa morge ng Al Noor Hospital at naghihintay na maproseso ang dokumento para ito ay maiuwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Ramos na naabisuhan na ang mga kaanak ni Taha ukol sa nangyari.

Noong nakaraang taon ay nasa 8 pilgrims, karamihan ay matatanda, ang namatay sa gitna ng Hajj.

Nasa 7,325 na Filipino pilgrims ang kasama sa Hajj ng mga Muslim ngayong taon.

 

Read more...