Grade 9 student nahulihan ng baril sa loob ng paaralan sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 08:55 PM

Isang 15 anyos na babaeng grade 9 student ang nahulihan ng baril habang nasa loob ng paaralan sa Argao, Cebu.

Nakuha sa estudyante ang caliber 22 na revolver na dinala niya at ipinakita pa sa kaniyang mga kaklase.

Ayon kay Police Maj. Rolan Aliser, hepe ng Argao Police Station, isinailalim lang nila sa pagtatanong ang dalagita at saka dinala sa social worker.

Sinabi umano ng estudyante na inatasan siya ng kaniyang pamilya na dalhin ang baril at itago sa ligtas na lugar.

Gayunman, naisipan niya itong dalhin sa paaralan.

Isang guro na nakakita sa baril ang nagsumbong sa mga otoridad.

Magsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino talaga ang may-ari ng baril.

TAGS: argao cebu, argao police, grade 9 student, student, argao cebu, argao police, grade 9 student, student

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.