Health workers nag-kilos protesta matapos ibasura ng korte ang kaso laban sa mga nasangkot sa “Morong 43” case

By Noel Talacay July 19, 2019 - 08:16 PM

Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga health workers at ilang kasama sa Morong 43.

Ang kilos protesta ay ginawa sa kahabaan ng Elliptical Road sa Quezon City tapat National Housing Authority na nagsimula bandang alas 5:30 ng hapon ng Biyernes, July 19.

Kinokondena nila ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kaso ng pitong law enforcement officers.

Sigaw pa rin ng grupo ang hustisya para kanilang kasamahang manggagawa sa kalusugan.

Ayon kay Julie Caguiat, co-convenor ng Justice for the Morong 43, plano nilang iapela ang kanilang kaso sa Korte Suprema.

Bagaman umabot ng mahigit isang oras ang kilos protesta, hindi naman masyado naapektuhan ang daloy ng trapiko.

Dumalo si Bayan Muna Representative Ferdie Gaite sa masabing rally.

TAGS: Elliptical Road, morong 43, Rally, Elliptical Road, morong 43, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.