Bahagi ng EDSA, C5 at iba pang kalsada sa Metro Manila sasailalim sa repair ngayong weekend
Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa nito ng road repair activities sa Metro Manila ngayong weekend.
Magsisimula ang repair, alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (July 19) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, (July 22).
Ayon sa DPWH – NCR, apektado ang sumusunod na mga lansangan:
EDSA Southbound
– mula Roosevelt Avenue hanggang Bansalangin Street, 1st lane mula sa sidewalk
– mula Magallanes hanggang Baclaran Bus Stop patungong Magallanes – Alabang Bus Stop, outer lane
– mula Eugenio Lopez Drive hanggang Scout Borromeo
EDSA northbound
– bago mag-New York Street, 1st lane mula sa sidewalk
C5 Southbound
– harap ng fronting SM Aura, 4th lane mula sa median
C5 northbound
– harap ng SM Aura, 4th lane mula median
Sasailalim din sa repair ang iba pang mga lansangan sa Metro Manila kabilang ang mga sumusunod:
– Regalado Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Quirino Highway 2nd lane mula sa sidewalk, northbound
– Katipunan Avenue paglagpas ng Quirino Memorial Medical Center, 2nd lane mula sa sidewalk, southbound
– Quirino Highway mula sa Junji Street hanggang Salvia Street, inner lane, eastbound
– General Luis Street mula sa Oriental Tin hanggang Pascual Road, eastbound
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.