Mga commuter at motorista, naipit sa tindi ng ‘holiday traffic’

By Jay Dones December 24, 2015 - 04:24 AM

 

Mula sa Twitter

Idinaan sa social media ng mga commuter at motorista ang kanilang galit sa matinding trapik sa kahabaan ng EDSA partikular sa Quezon City at Pasay sa bisperas ng Pasko.

Pasado ala-1:00 na ng madaling-araw ng Huwebes, December 24, marami pa ring mga commuter ang nainip na sa paghihintay ng masasakyan sa northbound at southbound lane ng EDSA partikular sa mga bahagi ng EDSA Timog Ave., at Cubao-Araneta dahil sa kawalan ng mga pampasaherong bus na masasakyan.

Damay din ang mga lugar ng EDSA-Magallanes hanggang sa Pasay area sa matinding trapik malapit sa mga bus terminal at mga mall kung saan maraming mga pasahero ang naghahabol na makauwi sa kanilang mga probinsya ngayong Pasko.

Bagamat may mga bus na bumibiyahe, halos lahat ng mga ito ay umaapaw na sa dami ng mga sakay na mga pasaherong nais na makauwi sa kanilang mga tahanan.

Ang mga may pribadong sasakyan naman, nagtiyaga sa matinding traffic na dulot ng ‘holiday traffic’.

Isinisisi ng ilang mga commuter at motorista ang kawalan umano ng presensya ng MMDA at HPG sa pagmamando ng trapik.

Marami rin ang nagpahayag ng galit sa hindi pag-extend ng pamahalaan partikular ng DOTC sa serbisyo ng MRT at LRT kahapon sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa huling araw ng regular na pasok ng mga pribadong manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.