Kasunod ng pagsasampa ng reklamo kay VP Robredo at iba pa, LP dapat manatiling genuine opposition ayon kay Rep. Lagman

By Erwin Aguilon July 19, 2019 - 06:26 PM

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat magkaisa at manindigan ang miyembro ng Liberal Party sa Kamara upang maging genuine opposition at manatili sa minority bloc.

Ito ay matapos ang paghahain ng mga patung-patong na reklamo kabilang na ang sedition laban kina Vice President Leni Robredo, mga obispo at iba pang kritiko ng administrasyon.

Sinabi ni Lagman na hindi lamang dapat maging responsableng kritiko ng administrasyon ang mga kongresista ng Liberal Party sa halip kailangang maging sandigan ang mga ito sa pagtatanggol sa karapatan ng mga mamamayan.

Idinagdag nito na ikinokonsidera ni Pangulong Duterte ang LP bilang oposisyon at opposition party naman para sa taumbayan at ang Otso Diretso ang naging mukha nila noong nalalipas na midterm elections.

Hindi lamang din anya dapat tingnan bilang oposisyon ang LP bagkus dapat ng mga itong gampanan ang mahalagang papel bilang political opposition.

Kahapon nagsampa ng reklamo ang PNP CIDG sa DOJ laban kay Robredo, mga miyembro ng Otso Diretso, mga taga IBP, taong simbahan at iba pang kritikal sa administrasyon kaugnay sa ang totoong “narco list” video ni alyas Bikoy o Peter Advincula.

TAGS: edcel lagman, genuine opposition, Radyo Inquirer, edcel lagman, genuine opposition, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.