Posisyon bilang deputy speaker for political affairs tinanggap na ni Rep. Paolo Duterte

By Erwin Aguilon July 19, 2019 - 06:11 PM

Tinanggap na ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang posisyon bilang Deputy Speaker for Political Affairs sa 18th Congress.

Ang kumpirmasyon ay inanunsyo ni presumptive Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa kaniyang Facebook post.

Nagpasalamat naman si Cayetano kay Paolo Duterte dahil nakapag-usap sila ng personal.

Tinalakay ng dalawa ang kinakailangan ng bansa gayundin ang pagkakaroon ng isang “responsive” na Kongreso.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na sa sandaling maupo siya sa pinakamataas na posisyon sa Kamara ay dadagdagan niya ang bilang ng mga deputy speakers.

Ito ay upang makatulong sa pagsusulong ng legislative agenda ng kapulungan.

TAGS: Alan Cayetano, house deputy speaker, house speaker, paolo duterte, Alan Cayetano, house deputy speaker, house speaker, paolo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.