Ilang pasahero stranded sa Camarines Sur dahil sa pag-ulan na dulot ng Habagat

Ilang pasahero ang stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Ito ay dahil sa hindi magandang lagay ng panahon doon at pag-ulan na dulot ng Habagat.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 39 na pasahero ang stranded ngayon sa Pasacao Port.

Mahigpit na ipinatutupad ng Coast guard ang Memorandum Circular Number 02-13 na nagbabawal sa mga sasakyang pandagat na maglayag kapag may nakataas na gale warning at kapag maalon ang karagatan.

Read more...