Bagyong Goring napanatili ang lakas, lalabas na ng bansa mamayang gabi
Napanatili ng tropical depression Goring ang lakas nito.
Huling namataan ang bagyo sa layong 380 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong Northeast.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes.
Asahan pa rin ayon sa PAGASA ang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region at Babuyan Group of Islands.
Ngayong Biyernes (July 19) ng gabi ay inaasahang lalabas din agad ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.