Siliman University sa Bacolod City binulabog ng bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 04:43 PM

Binulabog ng bomb threat ang Siliman University sa Bacolod City na nagresulta sa pagsusupinde ng klase sa unibersidad.

Sa abiso sa Facebook page ng unibersidad, nakasaad na natanggap ang pagbabanta mula sa isang Nelson Tan na nagpakilala umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) at sinabing may mangyayaring pagsabog sa loob ng campus.

Sa university grounds umano mangyayari ang pagsabog.

Agad sinuspinde ang klase sa Siliman University.

Nakipag-ugnayan din agad ang pamunuan ng paaralan sa mga otoridad at ipinagbawal muna ang pagpasok sa loob hanggang walang clearance mula sa pulisya.

TAGS: bacolod city, Radyo Inquirer, siliman university, bacolod city, Radyo Inquirer, siliman university

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.