Pangulong Duterte binigyan ng bagsak na grado ng children rights advocates

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 03:39 PM

Binigyan ng bagsak na grado ng iba’t ibang children rights advocates si Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw bago ang kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Sa press conference sa Commission on Human Rights (CHR) office sa Quezon City, binanatan ni Bishop Deogracias Iñiguez ang war on drugs ng administrasyon kung saan kabilang sa nabibiktima ay mga bata.

Ayon kay Iñiguez, na chairman din ng non-government organization na ‘Akap sa Bata ng mga Guro – Kalinga Philippines’ dahil sa ilegal na mga pagpatay ay maraming bata rin ang nauulila habang ang iba ay nadadamay pa.

Binanggit ni Iñiguez si Kian delos Santos, na grade 11 student na nasawi sa Caloocan at si Myka Ulpina na tatlong taong gulang na nasawi sa Rodriguez, Rizal.

Ayon naman kay Children’s Rehabilitation Center officer-in-charge Frances Bondoc may mga pagkakataon na mga bata pa mismo ang aktwal na target ng mga pulis.

Ayon kay Bondoc, mula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte ay 11 bata na ang napapaslang dahil sa counter-insurgency program.

TAGS: Akap sa Bata ng mga Guro – Kalinga Philippines', children rights advocates, commission on human rights, Rodrigo Duterte, SONA, Akap sa Bata ng mga Guro – Kalinga Philippines', children rights advocates, commission on human rights, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.