BSP nakikitang bababa pa ang inflation sa pagtatapos ng taon

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 03:25 PM

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa pagtatapos ng taon.

Ayon sa BSP ito ay dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain.

Sa ikalawang quarter ng taon, bumaba sa 3 percent ang inflation kumpara sa 3.8 percent noong unang quarter ng taon.

Ayon kay Department of Economic Research director Dennis Lapid, nakikitang nilang babagal ang pagsipa ng inflation kaya ibinaba nila ang inflation expectations.

Pinanatili ng BSP ang projection nito para sa buwan ng Hunyo na 2.7 percent na inflation.

Target din ng BSP ang 3 percent sa taong 2020.

TAGS: 2.7 percent na inflation., BSP, buwan ng Hunyo, Inflation, projection, 2.7 percent na inflation., BSP, buwan ng Hunyo, Inflation, projection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.