Military truck nawalan ng preno sa Zamboanga City, dalawa ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 03:09 PM

Sugatan ang dalawang motorista makaraang mawalan ng kontrol ang isang military truck sa Zamboanga City.

Sinagasaan ng military truck ang barriers at signages bago araruhin ang ilan pang mga sasakyan sa Barangay San Jose Gusu.

Ayon kay Rear Admiral Erick Kagaoan, commander ng Naval Forces Western Mindanao, patungo ng Marine barracks sa Arturo Asuncion sa Barangay Cabatangan ang isa nilang M35 trucks nang mawalan ito ng preno.

Ayon sa driver ng truck, napilitan siyang ibangga na lang ang truck sa siganes ng Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative para hindi gaanong makapaminsala.

Ang Navy truck ay minamaneho ni Fireman First Class Jeromy Lacastesantos Bello.

Maliban sa signages at barriers binangga din ng truck ang ilan pang sasakyan dahilan para masugatan si Army Major Mukam Sahial na nagmamaneho ng isang Foton vehicle; at isang Albakre Bandahala, 18 anyos na isang motorcycle rider.

Dinala sa Camp Basilio Navarro Hospital sa Western Mindanao Command ang dalawang sugatan.

TAGS: Barangay San Jose Gusu, Camp Basilio Navarro Hospital, dalawa ang sugatan, Military truck nawalan ng preno, Western Mindanao Command, Zamboanga City, Barangay San Jose Gusu, Camp Basilio Navarro Hospital, dalawa ang sugatan, Military truck nawalan ng preno, Western Mindanao Command, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.