Walang dahilan para manghimasok ang ibang bansa sa usapin ng human rights sa Pilipinas – CJ Bersamin
Walang nakikitang dahilan si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin para manghimasok ang ibang mga bansa sa usapin ng human rights sa Pilipinas.
Sa kaniyang pahayag sa launching ng Supreme Court App, sinabi ni Bersamin na bilang miyembro ng hudikatura, sa ngayon wala silang nakikitang dahilan para mangealam ang ibang bansa sa war on drugs.
Sang-ayon din si Bersamin kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang resolusyon ng Iceland na isinumite sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ay isang minority resolution.
Ang naturang resolusyon na naglalayong siyasatin ang sitwasyon ng human rights sa bansa ay inaprubahan ng 18 bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.